Left: Me and my brother. Right: Tita Emma.

Happy Mother’s Day!

2 weeks ago on 05/13/12 at 09:33pm

Ang tanging ina ko.

Miss ko na halik ni Mommy. Huling halik nya samin,sa may airport,nung paalis na sila para makapaghanap ng trabaho sa Amerika. Nakalipas ang limang taon. Hindi pa sila umuuwi ni Papa. Kaya sa limang taong wala sila,puro chat at tawag sa telepono lang ang komunikasyon. Miss na miss ko ang mga luto niya na talaga namang the best. Madalas siyang gumagawa ng Siopao dati. Madalas din siyang arkilahin sa mga paluto kapag birthday at pista. 

Sana makauwi na sila ni Papa. Kahit bakasyon lang. I love you mommy!

2 weeks ago on 05/13/12 at 11:06am

Thou shall not judge a man by its appearance.

Ngayon ko lang napanuod ang video ng audition ni Susan Boyle. Hindi ko alam kung bakit ako napadpad sa youtube video na yun pero laking pasasalamat ko na napanuod ko to.

Medyo wala pang bilib sa kanya yung mga Briton nung makita sya. Pati mga judges. Pero nung nagpamalas na siya ng pagkanta. Intro pa lang, unti unti ng nag-standing ovation ang mga tao.Pati balahibo ko tumayo. Gulat na gulat ang lahat sa pinamalas na galing ni Susan. 

Lesson: *see title*

2 weeks ago on 05/13/12 at 01:20am

Happy Birthday sa makulit kong pamangkin. YEY!

2 weeks ago on 05/10/12 at 08:21pm

Kamalasang nagdaan, dapat nang kalimutan. move on.

Tumawag kanina sakin yung office of the dean ng UST-CFAD. Ininform lang ako na wala ng available na slots sa pinag-shi-shiftan ko. Nagtanong ako kung sa ibang course nila dun, pero wala na daw. Bigla na lang akong nanlata. Sa dami ba naman ng ginawa ko bago makapag pasa ng requirements e ala ring nangyari. Pero oks lang. Parang paghahanap pala ng trabaho ang ginawa ko. Naghintay ng tawag mula sa pinag-a-applyan at magbibigay lang ng balita kung good or bad.

Move on. Ituloy na lang ang naumpisahan. Malay ko, dun pala talaga ako nakatadhana. 

Pero mas malas talagang nangyari saken kahapon e ang muntikang makakaen ng insekto. Galing sa pesto ko sa Pizza Hut. EWW talaga. Buti hindi na pinabayaran kahit marami na kameng nakaen.

2 weeks ago on 05/10/12 at 12:22pm

Now it’s down to zero shots.

3 weeks ago on 05/07/12 at 05:55pm

Kodak Fun Saver single use camera.

Naghahalungkat ako sa bahay tapos nakakita ako ng plastic na may camera sa label. medyo maliit so i was thinking na baka film lang. Nung kinuha ko,camera pla siya. Single use lang. After maubus ung film sa loob,tatapon na lang. Medyo nasulit ko na ung 27 shots. 6 shots remaining na lang. Random mga kinunan ko. Can’t wait sa result. :D Gusto ko ng ipa-process at padevelop.

Mayroon din akong nahalungkat na tatlong camera. Puro de-film. Analogue cam kung tawagin ng mga enthusiast sa camera. Nagpaplano na kong bumili ng film. 135 bale ung film na kelangan. Un ung mas maliit sa normal na film ngayon at konti na lang ung mga Lab na nagpaprocess nun. Siguro eto na yung unang hakbang sa pagsabak ko sa lomography. 

3 weeks ago on 05/06/12 at 10:31pm

HIATUS.

4 weeks ago on 05/01/12 at 06:24pm

Converse ang tatak ng nag-go-glow na yan. Bago kong salamin. After a long suffering sa sirang nose pad ng dati kong salamin napalitan na rin! Tsaka may lamat na rin  kase yun.

1 month ago on 04/11/12 at 12:29pm

Happy Birthday sa kasambahay naming si Ate Risa! Salamat sa paglalaba ng aming maruruming damit at sa pag-uurong (pag-huhugas) ng aming pinagkainan! 

1 month ago on 04/09/12 at 03:28pm